top of page
IMG_30222242-1_edited.jpg

HISTORY

Uncover the fascinating stories that shaped our barangay's history

327642947_2212384565613497_7805274043482273166_n.jpg

​

​

​

        Hindi mabubuo ang Kasaysayan ng Barangay Gomez kung hindi babanggitin ang Poblacion ng Bayan ng Lopez, Quezon, na noon ay tawag ay TAYABAS (Quezon) na itinatag ni DON MATEO LOPEZ noong 1856. Ang Poblacion ay isang malawak na kalupaan na nasa pagitan ng dalawang malaki at mababang ilog. Ang mga ito ay ang ilog ng MANGUISIAN at ilog ng TALOLONG (na dating pangalan ng Bayan ng Lopez).

​

      Nang matapos ang Digmaang pandaigdig noong 1945, ang Poblacion ay buo pa sa ilalim ng pamamahala ni Gen. Gaudencio Vera at Alkalde na si Mayor Juan Tabien. Siya ang nangasiwa sa rehabilitasyon ng bayan ng Lopez na noon ay walang kabuhayang natira dahil sinunog ng mga kaaway na mga Hapones. 

       

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

        Nang naganap ang unang halalan pagkatapos ng giyera taong 1944 sa Ginoong Efigenio Panganiban ang nahalal na Mayor, sa kanyang pamamahala, naganap ang paghahati-hati ng Pablacion sa apat na bahagi. Ang gma bahaging ito ay tinawag na distrito numero, Uno, Dos, Tres at Kuatro. Ang mga Distritong ito ay Pinamahalaan ng Vice Mayor at mga hinirang na Teniente del Barrio, ang Distrito numero Kuatro (na ngayon ay Gomez), mong 1948 nagkaroon ng unang Teniente del Barrio sa pangalan ni G. Lazaro Descallar at sinamahan naman ni G. Pedro Libranda Sr. na kapwa hinirang lamang ng Punong Bayan.

​

        Nang maupo si Don Gregorio Yumul bilang Punong Bayan noong 1956, minabuti niya at ng kanyang konseho municipal na palitan ang tawag na Distrito numero ng tunay na pangalan. Ang mga Distrito ay pinalitan at pinangalanan ng ngalan ng mga bayan at ito’y kinuha nila sa pangalang Rizal, Burgos, Gomez at Talolong. Wala pa noon ang Magsaysay at dito nagsimula ang pangalang Gomez. Pinalitan nila ito ng pangalan dahil nalalapit na ang ika-sandaang taon ng Bayan ng Lopez at nais nilang magkaroon ng pangalan ang mga musa sa bayan na mananalo sa patimpalak ng kagandahan Bilang pasimula sa pagdaraos ng 100 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng Bayan ng Lopez. 

​

        Nang ideklara ang batas militar o martial law ni Pangulong Ferdinand E. Marcos sa bisa ng Proklamasyon 1081 noong Setyembre 21, 1972, ang Gobyerno ng Pilipinas ay nagbago, natatag ang tinawag na Bagong Lipunan sa bisa ng Presidential Decree 210 at dito naglikha ng Asembliya ng mamamayan o Citizen Assembly. Ang Presidential Decree na ito ay naglalayon na ang lahat ng Barrio, Distrito, Siyudad at Bayan, na ang pamayanan ay tatawaging barangay at ang mga namumuno sa barangay ay tatawaging Kapitan o Barangay Chairman. 

​

        Sa pamamagitan ng Presidential Decree 210, nalikha ang pangalan ng ating Barangay na noon ay Distrito Kuatro na ngayon ay tinatawag na Barangay Gomez. Nalikha ang maliit na nayon na noong unang panahon ay isang sasahan at tubigan lamang. Ang mga munting tahanan ay yari lamang sa pawid at kung minsan ay anahaw, ang mga mamamayan dito ay sadyang masayahin, dinarayo ang munting nayon na ito ng ibat-ibang bayan para sa kanilang hanapbuhay. Minsan, ang ilog ng Manguisian sa matatagpuan sa ay dinadaungan ng mga bangka na galing sa ibang lugar para magdala ng mga produkto at kung minsan ay sa tren na nagmumula sa kabikulan at Maynila. Dahil sa pagtuhog ng daang bakal sa gitna nito ay unti-unting lumaki at umunlad ang mga mamamayan dito rin itinalaga ang Tanggapan ng Medtech ng RHU sa katauahan ni Gng. Eden Ingles. Sa larangan pa rin ng Kalusugan, si Estrella C. Francisco ay ginawaran ng Outstanding BHW ng Bayan ng Lopez, sa panahon ni Mayor Fidencio Salumbides. 

​

        Kasunod na nahalal na Punong Barangay si Anthony Tonton” Lee (2007-2010), kung saan naging Pangulo sya ng mga Liga ng Barangay sa Bayan ng Lopez, sa kanyang panunungkulan ay nakapagpagawa siya ng waiting shed sa harap ng Gomez Elem. School, nagpagawa rin ng Drainage Canal na sakop ng Sona 5, 6 at 7. 

​

        Disyembre 2010 nahalal naman si Emelita Verin (2010-2013), ipinagpatuloy p rin ang pagpapagawa ng mga pathway ng barangay, at maraming mga ka-barangay ang napagkalooban ng libreng philhealth sa tulong ne Cong. Erin Tanada.

​

        Taong 2013, nahalal naman si Maria Adeline A. Lee, sa panahon ng kanyang panunungkulan nagkaloob ang kanyang pamilya ng lote na pagtatuyuan ng bagong Barangay Hall, sa pamamagitan din ni Kapt. Lee ay pinagkalooban ni Congw. Helen Tan ang Barangay ng Welcome Arc na makikita sa San Antonio St. Hulyo, 2014, kumandidato si Kapt. Lee bilang Pangalawang Punong Bayan kung saan nahalal sya sa posisyong iyon, kung kaya naappoint si Kagawad Arman Giducos (unang Kagawad), at na-appoint si Imelda Mejes bilang ika-7 Kagawad. Sa panahon ni Kapt. Giducos, nagkaroon ng 12 camera CCTV ang Barangay, nadagdagan ng streetlight ang mga kalsada lalo na ang mga malalayong Sona, bumili ng mga gamit sa Barangay at pati mga modernong kagamitan para sa health Center, bumili rin ng mga gamit para sa pag-rescue at pinagkalooban din ng gamit ang Daycare Center, nabigyan din ng mga gamit ang mga tanod na ginagamit nila sa kanilang araw-araw na pagroronda, sa pamamagitan din ni Kapt. Giducos ay pinagkalooban ni Mayor Rachel A. Ubana ang Barangay ng Barangay patrol at Garbage Truck na nagseserbisyo sa mga mamamayan. Sa idinaos na Pamaypayan Festival, ginawaran naman si Gng. Jessica L. Tan bilang Outstanding Barangay Treasurer ng bayan ng Lopez, na karangalan ng Barangay.

​

        Nagkaroon ng Halalal noong Mayo 14, 2018, kung saan muling nahalal na Punong Barangay si Emelita Verin at mga Kagawad na sina Thelma Libranda, Randel Umali, Gil Villegas, Deodan Deborde, Imelda Mejes, Felixberto Medrano, Resty Roldan na kasalukuyan.

​

        Taong 1990 ay nagkaron ng halalan kung saan pinili ng taong bayan at nagwagi si Cristito Giducos, dahil sa tiwala ng taong barangay sa kanya ay pinalitan niga ito ng kanyang serbisyo at kasipagan kasama ang kanyang mga Kagawad, ipinagpatuloy niya ang pagsasaayos ng mga pathway ng barangay, inatasan din niya ang mga Tanod na magsagawa ng pagroronda tuwing gabi, nagkaroon din ng pampalakasang paligsahan ang bawat Sona at tulong-tulong ang taong-barangay sa paglilinis ng kapaligiran.

 

        Si Kapt. Cristito din ang nanguna upang mapunan ang pangangailangan ng Barangay ng isang Bahay Nayon, kung kaya humanap sila ng lote na pagtatayuan nito, at sa sama-samang inisyatibo ng mga namumuno sa Barangay at mamamayan at sa tulong ng nakatataas na ahensya ng Pamahalaan ay inumpisahan ang pagtatayo ng Bahay Nayon, subalit taong 2010 ay iginupo ng karamadaman si Kapt. Titoy Giducos at binawian ng buhay, pumalit sa kanya ay ang unang Kagawad na si Kgd. Nestor Panotes, kung kaya pinagpatuloy ni Kapt. Panotes ang mga di natapos na proyekto, dahil na din sa kasipagan ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapt. Panotes, lumapit sila sa iba-ibang ahensya ng pamahalaan upang mapaganda ang Barangay Hall, nagkaroon ng mga gamit ang Health Center sa tulong ni Kgd. Rolando Villapando, nagkaroon din ng health station sa tabi ng Gomez Elem. School nagkaroon din ng Chapel ang Sona 7 sa pamamagitan ni Gng. Normita Deborde at sa Sona 4 sa pamamagitan ng Hermano at Hermana sa tulong ni Madam Charing Magbohos, nagkaroon din ng Tanggapan ng Rescue 101, bumili rin ng bangka na gamit sa Rescue 101 sa paglilikas ng mga tao sa mga mababang lugar sa barangay tuwing bumabaha, inayos din ang Health Center sa tulong ni Congw. Manolito Lavides at ang bagong Barangay Hall at Headquarters ng Tanod naman ay sa pamamagitan ni Congw. Wigberto Tanada, kasama dinsa inayos ang Bocboc Creek at Mini-park sa Sona 6, kung saan katuwang ang Samahan ng mga Kababaihan ng Barangay sa pagpapaganda ng Mint-park at Grotto ng Lourdes sa Sitio Seneguelas nagkaroon din ng pakyawan Center sa Barangay kung saan nagkaroon ng pagkakakitaan ang mga taong-barangay. Ang Health Center ay inilipat na sa bagong Barangay Hall kung saan dito Dahil sa pagbabahagi ng Poblasyon, napabigay ang Pamilihang Bayan ng Lopez, istasyon ng tren at isang paaralang elementarya sa Barangay Gomez.

 

        Dito rin naitayo ang recreation center na pinagdadausan ng mga Musa tuwing ginaganap ang Anibersaryo ng Lopez. Dahil dito, ang mga ito ay napaunlad ng mga mamamayan ng Barangay.

​

       Noong 1973, naganap ang Kauna-unahang halalan sa pamamagitan ng pagboto ng mga mamamayan at dito ay nahalal si Kapt. Paterno Torres bilang Brgy. Chairman. Kasama mya sa panunungkulan ang kanyang mga Kagawad na sina Bernardo Tardecilla, Bienvinido Bitoin, Melchor delos Santos, Santiago Orsolino, Pandoy Canada at Rosito Bunag at ang Kalihim ng Barangay ay si Gng. Mameng Averion. Dahil sa kanilang kasipagan sa pagulungkod sa Barangay Gomez, kanila itong pinaganda sa pamamagitan ng Green Revolution at Beautification ng bawat Sona, dahil dito ay nagkaroon ng isang magandang mukha ang Barangay Gomez na dati ay isang sasahan at tubigan.

​

        Pagkatapos ng kanilang panunungkulan ay napapalit naman si Kapitana Teodora Giducos bilang Barangay Chairwoman ng Barangay noong 1983, sa kanyang panunungkulan ay bumuo sya ng ibat-ibang samahan na mangangalaga sa ibat-ibang aspeto ng barangay. Ang Barangay Tanod para sa kaayusan at magbabantay ng katahimikan ng Barangay, Barangay Health Worker para sa larangan ng kalusugan, Samahan ng Kalalakihan at Kababaihan. Pinagpatuloy niya ang pagpapaganda ng bawat sona, nagtayo ng mga himpilan ng Tanod, Health Center at isang munting bahay nayon na pinagdadausan ng kanilang munting pulong, naglagay din ng mga drum ng tubig sa paligid ng Pamilihang Bayan para sa kahandaan sa sunog. Tuwing sasapit na ang kapaskuhan ang mga bata ay nagsasadya sa tahanan ni Kapitana Dorang para sa kanilang regalo at mga laruan. Dahil sa isang karamdaman si Kapitana Dorang sa pansamantalang pinalitan ni G. Sixto Libranda, bilang OIC ng Barangay noong 1986, sa kanya naman panunungkulan ay unti-unting naging moderno ang Barangay, nagkaroon ng bagong Tanggapan ang Health Center sa Yumul St, gayundin ang Tanod, nagkaroon ng Headquarters at ang mga pathway ay ipinaayos at ipinasemento, nagtapos ang panunungkulan ni OIC Libranda noong taong 1990. 

328960311_554957063331562_2048953329868621914_n.png
bottom of page